![]() |
|
NAME: MARIA SALOME ROS PERALTA ALUMNI: QCHS YEAR 1956 |
Salome Peralta-Antoni 2001
|
SIBLINGS By First Marriage Only |
Salome Peralta-Antoni 1966
It's better to have love and lost than never to have loved at all....
|
![]() |
![]() |
Dear Eddie,
Parang kahapon lamng nang makilala ko si Sally. Nasa pang-apat na taon na
ako sa QCHS samantalang siya naman ay nasa pangatlong taon pa lang.
Palagi ko siyang nakikita pero hindi ko siya nakakausap dahil ako'y
nahihiyang lumapit sa kanya.
Minsan, ako'y kinausap ni Miss Tampadong at tinanong ako kung gusto ko raw
sumayaw ng Pandango Sa Ilaw. Nag-aaatubili ako dahil hindi ko alam 'yon.
Pero ng sinabi niya na si Sally and Partner ko ay bigla na lang akong
pumayag.
Nagsimula kaming mag-ensayo pagkaraan ng ilang araw. Napakaganda ng
kanyang mukha na palagi kong pinagmamasdan. Higit na gumaganda siya kung
tumatawa o di kaya ay ngumingiti. Pagkatapos naming matuto ng sayaw ay
sumayaw kami sa Manila Hotel at saka sa San Francisco Del Monte.
Sumayaw din siya ng Binasuan sa stage ng QCHS. Habang pinapanood ko siya ay
biglang nagsalita ang katabi kong babae at ang sabi ay napakandang bata daw
ng sumasayaw at puedeng maging artista.
Mula noon ay palagi na lang siya ang nasa aking isipan. Gusto kong dumalaw
sa kanila pero malakas ang hiya ko sa kanya. Kaya ang ginawa ko ay nakisama
na lang ako kina Diego at Fundador sa pagdalaw sa kanilang bahay.
Pagkatapos ko ng high school ay nagsimula naman akong mag-aral sa College.
Nabalitaan ko na lamang na sinagot na pala niya si Diego. Kahit na masama
ang loob ko ay natutuwa pa rin ako dahil sa ang kaibigan ko ang kanyang
napusuan. Mula noon ay hindi na ako nagpakita sa kanya.
Minsan, nakita ko siya sa KC na naglalakad at parang sisimba. Sinundan ko
siya hanggang sa simbahan at nakita ko siyang pumasok sa loob ng simbahan na
puno ng mga tao. Nakita ko siyang nakaluhod at hawak sa kamay and rosaryo.
Pinagmasdan ko siya ng matagal dahil sa iyon na ang kahuli-hulihan kong
pagkakita siya.
Makaraan and ilang sandali ay tumalikod na ako para lumisan na sa
simbahan. Napansin kong ang mga mata ko pala ay may luha dahil sa hindi na
matutupad ang pangarap ko sa buhay na siya ang aking maging kabiyak ng
dibdib.
Dear Eddie, sa aking pagninilay-nilay ay palaging siya pa rin ang aking
nasa gunita. Kaya, maaari bang patugtugin mo ang awiting nagpapaala-ala ng
mga kahulihulihang sandali sa loob ng simbahan.
Ang awiting................TANTUM ERGO.
Reden